skip to main |
skip to sidebar
Lady Schwarz wrote when asked,
"ang pag-ibig na handang magparaya para kaligayahan ng taong mahal nya???
or
ang pag-ibig na handang ipaglalaban ang pagmamahal nya para sa taong mahal nya???"
(To love by letting go for the happiness of the beloved, or to love and fight for it?)
Magmamahal ako hangang sa kakayanin ko.
(I will love until I couldn't anymore.)
Magmamahal ako hanga't may ibibigay ako.
(I will love until I have nothing left to give.)
Magmamahal ako nang sagad.
(I will love to the fullest.)
Sisisirin ko ang kalaliman ng dagat ng pagibig,
(I will swim the deepest part of the sea of love,)
ang dagat na puno ng kagandahan, kayamanan at kalangitan.
(a sea full of beauty, wealth and heavenliness.)
Dagat ng kabulagan, katangahan at alinlangan.
(The sea of sightlessness, stupidity and doubt.)
Ngunit aahon ako para huminga,
(But I will swim to the surface to breathe,)
Sa pinakahuling saglit.
(At the very last instant.)
bubuhayin ko ang sarili ko,
(I will save myself,)
hihinga ako.
(I will breathe.)
Dahil alam kong hindi pa ako tapos magmahal sa mundo.
(Because I know that in this world, I'm not done loving yet.)
Hindi ako dakila.
(I'm not grand.)
Nagmahal, nagmamahal at magmamahal lang ako.
(I only have loved, am loving and will love.)
Minahal, minamahal at mamahalin din ako.
(I, also, was loved, am loved and will be loved.)
0 comments:
Post a Comment